Halos isang taon ko na palang hindi nabuksan at nakapagpost ng bagong entry sa blog ko. Ano ba pinagka-abalahan ko sa mga nagdaang panahon na yun?
Chemist in the making:
Masyado ko na pala kinarir ang pag-aaral. Wala ng time sa love life (joke*). 2011 ay lumaban ulit ako sa pangatlong pagkakataon sa Philippine Science Consortium (konting history: Philippine Science Consortium ay taunang labanan ng mga iba't - ibang State Universities and Colleges sa buong Luzon, yes buong Luzon - from Batanes State College hanggang Romblon State University). At sa wakas naka-place din, hahaha, hindi na nakakahiya. 2nd place mula sa 7th place noong 2010.

Mga Bagong 'Nilalaro':
Wag ninyong masamain yung term na 'nilalaro' ah (bakit nga ba kasi may apostrophe pa?). Ibig ko lang sabihin yung mga games na kinahumalingan. Andiyan pa din yung Farmville at Baking Life. Pero ang latest eh yung Game of Nerds. Don't get me wrong, hindi ako nerd. Mahilig lang talaga ako sa mga ganyang klasena more on General Knowledge. Kaya kung may "Game KNB?" pa siguro eh sumali ako.

Mga Gala:
Medyo madaming napuntahan kumpara sa dati.
Camiling, Tarlac - dito ginanap yung PSC 2011. Swerte tong lugar na to. Babalik ako dito :)

Baguio City - Chemistry Department Faculty Members and 3rd year BS Chem gala. Self-explanatory na yung tungkol sa Baguio. hahaha :))

De La Salle University, Taft, Manila - First time makasakay sa LRT ("We are approaching Taft Avenue Station...). Dito kinonduct ang Instrumental Analysis para sa Chem Instrumentation namin.

Hanggang diyan na lang muna siguro sa ngayon. Hanggang sa susunod na post na lang ulit! :)

Hindi talaga nakakahiya ang 2nd place... 2nd place?! Kid, you have to be proud. I'm sure your school and your parents are.
ReplyDelete@gregg d'bully opo naman sobrang proud naman po ako. hehe :) salamat po sa pagdaan sa blog ko :)
ReplyDelete